Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, ipakikita mga pagkaing pumatok ngayong quarantine
Alden, ipakikita mga pagkaing pumatok ngayong quarantine

Alden, ipakikita mga pagkaing pumatok ngayong quarantine

KATULAD ng ibang celebrities at business owners, malaki rin ang epekto ng Covid-19 sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kaya naman talagang nakare-relate siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs na Lockdown: Food Diaries. Isang documentary special na mapapanood ngayong Linggo (September 27), 3:45 p.m. sa GMA.

 

Sa dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok nitong quarantine. Pero bukod dito, ipakikita rin niya ang pagiging maabilidad ng Pinoy para kumita sa gitna ng pandemya.

 

“Saludo po kami sa inyo at binibigyan ninyo kami ng inspirasyon na ‘wag sumuko sa laban ng buhay ngayon.”

 

Ibabahagi rin ni Alden kung paano niya hinarap ang pandemic bilang isang business owner. “Nagkaroon lang ng certain adjustments and scheduling,” say nito. “Kasi para sa amin po, mas importante ‘yung tao, ‘yung staff more than income na nagge-generate ng mga restaurant namin. Kasi hindi naman po kami kikita kung hindi rin dahil sa mga taong nagtatrabaho at naghihirap every day.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top