Categories: Showbiz

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado

Share

LABIS-LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng CEO/President ng Beautedem na si Rhea Anicoche-Tan sa panibagong parangal na natanggap, ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko mula sa Gawad Pasado na igagawad sa kanya sa October 10, 2020 via Zoom.

Post ng pamunuan ng Gawad Pasado sa kanilang Facebook page, “Kinikilala ng GAWAD PASADO ang mga taong may malasakit sa kapwa na handang tumulong sa mga nangangailangan. Siya ay nagbibigay ng kanyang serbisyo sa publiko upang maitaas ang antas ng kanilang pagkilala sa sarili. May mataas din siyang pagtingin sa kahalagahan edukasyon para sa mga kabataan. Sa taong 2019-2020, Iginagawad ng PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko kay Bb. Rhea Anicoche- Tan  Pagbati !️.

Bibigyang parangal din ang ilang mga nangniningning na bituin sa telebisyon at pelikula, isa rito ang  Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez bilang Pinaka-Pasadong Actress sa Telebisyon para sa mahusay nitong pagganap sa Kapamilya teleserye, Pamilya Ko habang ang co-actor nito na si JM De Guzman naman ang itinanghal na Pinakapasadong Actor sa Telebisyon.

Bibigyang parangal din sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Pinaka-Pasadong Actor/ Actress sa Pelikula para sa pelikulang Hello Love Goodbye at sina Allen Dizon at Judy Ann Santos bilang Pinaka-Pasadong Actor/ Actress sa Pelikula para sa Mindanao.

MATABIL
ni John Fontanilla

John Fontanilla

Published by
John Fontanilla

Recent Posts

Liza Javier madiskarte sa kanyang career

Kahit na hindi pa bumabalik sa normal ang regular na kinakantahang Music Bar sa Osaka at Tokyo Japan ay tuloy-tuloy… Read More

2 days ago

Obra ni Joel Lamangan “Anak Ng Macho Dancer” produ Joed Serrano excited sa ‘pandemic marketing’ ng first produce movie

ALAM ng actor-concert producer na si Joed Serrano, na ngayon ay nag-venture na rin sa film under his own movie… Read More

2 days ago

Lance Raymundo, naging bahagi ng Brooklyn New York Fashion Week

NAGING bahagi ng isang virtual fashion week ang mahusay na aktor/singer na si Lance Raymundo. Ito ang Fashion Week Brooklyn,… Read More

2 days ago

Raffy Tulfo, tinapos na ang pagtulong kay Michelle

LUMALABAS na walang basehan ang mga akusasyon laban kay Super Tekla ng dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag. Kaugnay nito,… Read More

2 days ago

Osang, super blessed kahit may pandemic– Ngayon, maiiba ang Pasko, kasi buo na kami

PASOK ang sexy actress (ng kanyang panahong) si Rosanna Roces sa stellar cast ng Anak Ng Macho Dancer ng Godfather… Read More

2 days ago

Sanya Lopez, makalilipat na sa bahay na binili sa kasagsagan ng pandemya

NAKARAOS ang Kapuso actress na si Sanya Lopez nang lakas loob niyang binili ang dream house niya sa kasagsagan ng… Read More

2 days ago