Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado 
Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado 

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado 

LABIS-LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng CEO/President ng Beautedem na si Rhea Anicoche-Tan sa panibagong parangal na natanggap, ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko mula sa Gawad Pasado na igagawad sa kanya sa October 10, 2020 via Zoom.

Post ng pamunuan ng Gawad Pasado sa kanilang Facebook page, “Kinikilala ng GAWAD PASADO ang mga taong may malasakit sa kapwa na handang tumulong sa mga nangangailangan. Siya ay nagbibigay ng kanyang serbisyo sa publiko upang maitaas ang antas ng kanilang pagkilala sa sarili. May mataas din siyang pagtingin sa kahalagahan edukasyon para sa mga kabataan. Sa taong 2019-2020, Iginagawad ng PAMPELIKULANG SAMAHAN NG MGA DALUBGURO ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko kay Bb. Rhea Anicoche- Tan  Pagbati !️.

Bibigyang parangal din ang ilang mga nangniningning na bituin sa telebisyon at pelikula, isa rito ang  Face of Beautederm na si Sylvia Sanchez bilang Pinaka-Pasadong Actress sa Telebisyon para sa mahusay nitong pagganap sa Kapamilya teleserye, Pamilya Ko habang ang co-actor nito na si JM De Guzman naman ang itinanghal na “ Pinakapasadong Actor sa Telebisyon.

Bibigyang parangal din sina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang Pinaka-Pasadong Actor/ Actress sa Pelikula para sa pelikulang Hello Love Goodbye at sina Allen Dizon at Judy Ann Santos bilang Pinaka-Pasadong Actor/ Actress sa Pelikula para sa Mindanao.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top