Categories: Showbiz

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim

Share

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez .

Ani Teejay, “Bale five days kami naka-lock in, as in dire-diretso ‘yung shooting naming.

“Masaya ‘yung shooting kasi bukod sa mahusay na actor si Jerome, magaling din ‘yung mga co-actor namin, isama na natin ‘yung magaling naming director at ‘yung staff and crew.

“Isa pa, kaya mabilis na natapos ‘yung shooting namin dahil wala kaming arte-arte rito kung ano ‘yung ipinagagawa sa amin ni Direk ginagawa namin ng maayos para take-one lang.”

Ibinahagi din ni Teejay kung kailan ipalalabas ang Ben x Jim.

“Bale kung hindi end of September baka first week ng October siya ipalabas. Basta abangan na lang nila, dahil tiyak na kikiligin sila sa amin dito ni Jerome ha ha ha, at ‘yung iba pa ha ha ha.

“And marami rin silang kapupulutang aral bukod sa maganda ang pagkakagawa ni Direk sa BL series naming.”

Bukod kina Teejay at Jerome makakasama rin nila sina Kat Galang, Ron Angeles, Johannes Rissler, Sarah Edwarsa, at Cristina Samson. Mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer.

MATABIL
ni John Fontanilla

John Fontanilla

Published by
John Fontanilla

Recent Posts

Liza Javier madiskarte sa kanyang career

Kahit na hindi pa bumabalik sa normal ang regular na kinakantahang Music Bar sa Osaka at Tokyo Japan ay tuloy-tuloy… Read More

2 days ago

Obra ni Joel Lamangan “Anak Ng Macho Dancer” produ Joed Serrano excited sa ‘pandemic marketing’ ng first produce movie

ALAM ng actor-concert producer na si Joed Serrano, na ngayon ay nag-venture na rin sa film under his own movie… Read More

2 days ago

Lance Raymundo, naging bahagi ng Brooklyn New York Fashion Week

NAGING bahagi ng isang virtual fashion week ang mahusay na aktor/singer na si Lance Raymundo. Ito ang Fashion Week Brooklyn,… Read More

2 days ago

Raffy Tulfo, tinapos na ang pagtulong kay Michelle

LUMALABAS na walang basehan ang mga akusasyon laban kay Super Tekla ng dating kinakasamang si Michelle Lhor Bana-ag. Kaugnay nito,… Read More

2 days ago

Osang, super blessed kahit may pandemic– Ngayon, maiiba ang Pasko, kasi buo na kami

PASOK ang sexy actress (ng kanyang panahong) si Rosanna Roces sa stellar cast ng Anak Ng Macho Dancer ng Godfather… Read More

2 days ago

Sanya Lopez, makalilipat na sa bahay na binili sa kasagsagan ng pandemya

NAKARAOS ang Kapuso actress na si Sanya Lopez nang lakas loob niyang binili ang dream house niya sa kasagsagan ng… Read More

2 days ago