Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim 
Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim 

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim 

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez .

Ani Teejay, “Bale five days kami naka-lock in, as in dire-diretso ‘yung shooting naming.

“Masaya ‘yung shooting kasi bukod sa mahusay na actor si Jerome, magaling din ‘yung mga co-actor namin, isama na natin ‘yung magaling naming director at ‘yung staff and crew.

“Isa pa, kaya mabilis na natapos ‘yung shooting namin dahil wala kaming arte-arte rito kung ano ‘yung ipinagagawa sa amin ni Direk ginagawa namin ng maayos para take-one lang.”

Ibinahagi din ni Teejay kung kailan ipalalabas ang Ben x Jim.

“Bale kung hindi end of September baka first week ng October siya ipalabas. Basta abangan na lang nila, dahil tiyak na kikiligin sila sa amin dito ni Jerome ha ha ha, at ‘yung iba pa ha ha ha.

“And marami rin silang kapupulutang aral bukod sa maganda ang pagkakagawa ni Direk sa BL series naming.”

Bukod kina Teejay at Jerome makakasama rin nila sina Kat Galang, Ron Angeles, Johannes Rissler, Sarah Edwarsa, at Cristina Samson. Mula sa panulat at direksiyon ni Easy Ferrer.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top