Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Riel ng XOXO, may pa-inspirasyon sa fans
Riel ng XOXO, may pa-inspirasyon sa fans

Riel ng XOXO, may pa-inspirasyon sa fans

NAIS ng Kapuso performer at member ng girl group na XOXO na si Riel Lomadilla ang maka-inspire ng mga kapwa niya babae na gustong pumasok sa entertainment industry.

 

Payo niya, hindi nila kailangan magfit-in sa beauty standards ng society. “Hindi mo kailangan na maging this certain kind of beautiful para maipakita mo ang talent mo sa buong mundo. Being different is okay and being different is a beautiful thing.”

 

Dagdag pa niya, sa XOXO ay may kanya-kanya silang moment to shine ng mga kasamang sina Dani, Lyra, at Mel“I want XOXO to be known for being different kasi kung titingnan mo kami, iba’t iba kami ng personality, iba’t iba kami ng genre ng music, iba’t iba kami ng body shapes, and iba’t iba kami ng skin tone and that’s okay kasi ‘yun ang beauty ng girl group namin. Kahit magkasama kami sa isang grupo, nagsa-shine kami individually.”

 

Congratulations muli sa XOXO sa kanilang self-titled debut single sa ilalim ng GMA Music na mapakikinggan na sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top