Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mark at Nicole, nagpa-gender reveal party para sa anak
Mark at Nicole, nagpa-gender reveal party para sa anak

Mark at Nicole, nagpa-gender reveal party para sa anak

MATAPOS ianunsiyo na magkakaroon na sila ng anak, isang simpleng gender reveal party ang inorganisa ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa.

Sa kanilang YouTube channel, ibinahagi nila na boy ang gender ng kanilang supling. Pinangalanan nilang Corky ang anak, kombinasyon ng mga pangalan nila at ng salitang “baby.”

Sa naging livestream naman ni Nicole para sa Descendants of the Sun online show na DOTS How To Do It, ikinuwento niya na malakas na ang kutob niya na baby boy ang kanyang ipinagbubuntis.

Aniya, “I think I’m having a boy ‘coz I’m so tamad to get ready kahit iba-brush ko lang ‘yung hair ko and kaunting lipstick, tamad na tamad akong gawin.”

“Ang sabi nila kasi like kapag babae raw ‘yung anak mo, mahilig kang magkikay-kikay, mag-ready, and ang active mo. Ako, no. I just wanna lay down and sleep tapos wala akong gana talaga kung ‘di mag-listen ng music or watch TV, ganoon,” dagdag pa niya.

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top