Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gerald, binuweltahan si Jay Sonza
Gerald, binuweltahan si Jay Sonza

Gerald, binuweltahan si Jay Sonza

IBINUYANGYANG ni Julia Barretto ang kanyang manipis na tiyan sa Instagram account para patunayang fake news ang kumalat na balita sa social media na buntis siya.

 

Simpleng caption na, “FAKE NEWS” ang inilagay ni Julia sa litrato niya.

 

Eh nitong nakaraang mga araw, kumalat sa social media ang balita na buntis siya mula sa account ng broadcaster na si Jay Sonza at si Gerald Anderson daw ang ama.

 

Buwelta naman ni Gerald sa IG niya kalakip ang isang video ng natapos na series, “Sa panahon ngayon na ang bilis kumalat ng ‘FAKE NEWS.” Akala ko magiging “FAKE NEWS” din ang “a sodier’s heart.” This video is our test shots and or taping was delayed for months after this…But we still had hope…never lose hope.”

 

Hayan, tapusin na ang issue kina Julia at Gerald, huh!

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top