Sunday , June 1 2025

Marlo, suportado ang pag-amin nina Janella-Markus

KINUHA namin ang reaksiyon ni Marlo Mortel sa ginawang pag-amin ng dati niyang ka-loveteam na si Janella Salvador, na boyfriend na nito si Markus Paterson, na produkto ng Pinoy Boy Band Superstar.

Sabi ni Marlo, ”Masaya ako for her, of course. Ganoon naman ako, kapag masaya ang isa kong kaibigan, masaya rin ako. Kilala ko naman si Markus, mabait siya. Nag­katrabaho na kami before.”

May balitang buntis ngayon si Janella. Kung sakaling manganak na ito at kunin siyang ninong, okey lang ba sa kanya?

“Oo naman, why not,” sagot ni Marlo.

“Wala namang problema sa aming dalawa. It’s just that, hindi lang kami nagkikita ngayon, because of pandemic. In-invite ko nga siya na mag-guest sa show ko sa Kumu one time, pero hindi siya pwede.May okasyon kasi sa kanila.”

Hindi lang artista si Marlo, isa rin siyang singer.

“Ang akala ng iba, kumakanta lang ako sa mga mall show. Ang alam nila, artista ako na kumakanta-kanta lang. Hindi nila alam na singer talaga ako. May album akong nagawa. Sa Kumu nga, maraming nagugulat kapag kumakanta ako. Sinasabi nila, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, magaling daw pala akong kumanta. Sabi ko, singer kasi ako,” natatawang kuwento pa ni Marlo.

Ayon pa kay Marlo, kung papipiliin, mas gusto talaga niya na makilala bilang isang singer kaysa artista.

“Mas gusto ko talagang mag-focus sa singing career ko,” pakli pa niya.

Nakausap namin si Marlo nang mag-guest sa show namin sa Kumu na Pito Ito.Iba Ito. Napapanood ito tuwing 9:00 p.m. sa Rodilicious account.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo deadma sa lamig habang umaakting

I-FLEXni Jun Nardo TINIIS ng aktor na si Paolo Gumabao ang lamig sa The Prague habang isinu-shoot …

Bongbong Marcos Robin Padilla RA12160 Islamic Burial

Sen Robin ibinahagi pagpirma ni PBBM sa Philippine Islamic Burial Act

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AKMANG-AKMA ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Republic Act No. 12160 …

Albee Benitez Nikki Benitez Ivana Alawi

Kampo ni Cong Albee Benitez idinenay alegasyon ng dating asawa

GULAT na gulat ang ilang malalapit sa newly elected Representative Albee Benitez nang maghain ng reklamo ang …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Miles at Elijah mas mahal ngayon ang isa’t isa

RATED Rni Rommel Gonzales FOUR years na ang relasyon nina Miles Ocampo at Elijah Canlas. “Sabi ko nga, …

Anna Magkawas Jeraldine Blackman

Luxe Slim CEO nakaalalay kay Jeraldine Blackman

RATED Rni Rommel Gonzales SA pamamagitan ng kanyang Instagram nitong February 21, 2025 ay inihayag ni Jeraldine Blackman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *