Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Umbangerong mister, ipinakulong ni misis
Umbangerong mister, ipinakulong ni misis

Umbangerong mister, ipinakulong ni misis

KULONG ang 32-anyos mister nang ireklamo ng kanyang misis ng pambubugbog sa Malate, Maynila.

 

Kinilala ang suspek na si Jubel Sandana, residente sa 584 – 105 San Andres St., Malate, at ang nagreklamong misis na si Shirley, 30.

 

Sa ulat, naganap ang insidente 11:45 pm, sa loob ng bahay ng mag-asawa.

 

Ayon kay Shirley, katatapos nilang mag-inuman kasama ang kanyang asawa nang magkasagutan at hablutin ni Jubel ang kanyang buhok at sinimulang bugbugin.

 

Nagreklamo si Shirley, ngunit hindi umano nagkasundo ang mag-asawa kaya ini-turnover si Jubel sa MPD-PS9 at tinuluyang sampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o violence against women and their children at physical injury.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top