Friday , October 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 tulak sa Vale, huli sa buy bust
2 tulak sa Vale, huli sa buy bust

2 tulak sa Vale, huli sa buy bust

DALAWANG tulak ng shabu ang arestado matapos bentahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na sina Edmundo Acuña, 43 anyos, residente sa 6111 Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon, at Glennmore Gabriel, 40 anyos,  ng #365 Tata Andrez St., Barangay Parada.

 

Ayon kay Col. Ortega, dakong 1:00 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na sina P/SSgt. Alvin Olpindo, P/Cpl. Franciz Cuaresma, at P/Cpl. Dario Dehitta sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Sanchez ang buy bust operation laban sa mga suspek sa bahay ni Gabriel sa Barangay Parada matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa mga ilegal na aktibidad nito.

 

Isang poseur-buyer na pulis ang nagawang makapagtransaksiyon sa mga suspek ng P1,000 halaga ng droga.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng droga ay agad sumugod ang mga operatiba saka sinunggaban ang mga suspek.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 12 gramo ng shabu na nasa P81,600 ang halaga, 2,250 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P270,000 ang halaga, buy bust money, P2,000 cash, cellphone at isang SYM Bonus 110 motorcycle.

 

Nahaharap ang mga suspek  sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top