Thursday , October 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Uge at Sanya, naghamunan
Uge at Sanya, naghamunan

Uge at Sanya, naghamunan

KAABANG-ABANG ang pagsasamahang fresh episode nina Eugene Domingo at Sanya Lopez para sa Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U sa Linggo (September 20).

 

Matapos mabyuda si Stella (Eugene), nalaman niya na may iniwang mana ang kanyang asawa sa kanilang lawyer na si Atty. George (Gardo Versoza). Makukuha lang ito ni Stella kung magtatagumpay siya sa kondisyong inihanda ni George.

 

Malugod niyang tinanggap ang hamon pero ang hindi niya alam, kailangan pala niyang manirahan kasama ang kerida ng kanyang asawa na si Nelda (Sanya Lopez). Magtagumpay kaya si Stella sa pagkuha ng mana o mauuwi sa away ang magkaribal? Tunghayan ang kaabang-abang na pagganap nina Eugene at Sanya sa Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U sa Linggo (September 20), 2:30 p.m., sa GMA-7!

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top