Thursday , October 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nicole Donesa, hirap sa paglilihi; Mark, ayaw mawala sa paningin
Nicole Donesa, hirap sa paglilihi; Mark, ayaw mawala sa paningin

Nicole Donesa, hirap sa paglilihi; Mark, ayaw mawala sa paningin

IBINAHAGI ng soon-to-be mom na si Nicole Donesa na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis dahil sa morning sickness. Kanya ring pinaglilihian ang fiancé na si Mark Herras.

“Mahirap. Ako, spoiled ako. Mahirap sa kanya, kawawa si Mark,” kuwento ni Nicole sa 24 Oras.

Ayon naman kay Mark, “Until now, ako ‘yung talagang pinaglihian niya na talagang mawala lang ako ng kaunti sa tabi niya, magagalit na siya. Aakyat lang ako sa taas, sa pinsan niya, nagagalit na sa akin.”

Limang buwan nang buntis ang Kapuso actress bago nila ito ipinaalam sa publiko. “Siguro kaya namin siya in-announce ng medyo late, siguro parang ang dami kasing nangyayaring problema sa bansa o sa mundo. Ayaw naman namin na…baka kasi sabihin ng ibang tao, nagpapapansin,” lahad ni Mark.

Dagdag pa ni Nicole, “We really want to keep it private muna. Enjoy-in muna namin bago namin i-share sa lahat.”

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top