Monday , November 17 2025
PORMAL na nagsampa ng kasong libel si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) director Sandra Cam laban sa asawa ng napaslang na Batuan Masbate vice mayor sa Maynila at ilang mga mamamahayag. Ito ay kaugnay ng pahayag ng asawa ng napaslang na vice mayor na tinukoy si Cam sa pagpatay sa biktima. (BRIAN BILASANO)

Libel ni Cam vs HATAW columnist & publisher ibinasura ng piskalya

WALANG malisya at maituturing na “qualified privileged” ang kolum na isinulat ni HATAW columnist/ publisher Jerry Yap sa pagkakasangkot ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam sa pagpaslang kay Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuson III.

Ito ang naging basehan ni Manila Senior Assistant City Prosecutor Teresa Belinda Sollano sa inilabas niyang resolusyon na nagbasura sa kasong Libel na inihain ni Cam laban sa mamamahayag na si Yap at sa biyuda ni Yuson na si Lalaine.

Aniya sa resolusyon, “Wherefore, it is recommended that the charges against Lalaine Yuson ans Jerry S. Yap for Libel be dismissed for lack of merits.”

Sa rekomendasyon ni Sollano ng Office of the City Prosecutor ng Maynila, ibinasura ang kasong Libel dahil sa kawalan ng merito ng reklamong inihain ni Cam, laban kay Yap kaugnay sa artikulong lumabas noong 11 Oktubre 2019 na pinamagatang “Sandra Cam Itinuturo ng Pamilya ni VM Yuson.”

Sa Resolusyong nilagdaan ni Sollano noong 20 Disyembre 2019 na natanggap ng kampo ni Yap noong 15 Setyembre, nakasaad na walang ‘ill-will’ at hindi ‘in bad faith’ laban kay Cam ang pagsasapubliko ng kolum ni Yap base sa Article 354 ng Revised Penal Code.

Sinabi sa resolusyon na walang malisyosong intensiyon ang artikulo ni Yap dahil naisulat din ang panig ni Cam kaugnay sa pagpaslang kay Yuson.

Hindi napatunayan na magkasabwat si Yap at Lalaine Yuson sa paglalabas ng nasabing artikulo. (KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Karla Lorena Orozco

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …