Saturday , October 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Korina’s new normal: sexy and open minded
Korina’s new normal: sexy and open minded

Korina’s new normal: sexy and open minded

BAHAGI na kaya ng new normal ni Korina Sanchez ang sumagot ng mga tanong tungkol sa sex life nila ng mister n’yang dating senador na si Mar Roxas? O magaling lang talagang mag-interbyu si Vice Ganda kaya naengganyong sumagot ang pamosong broadcaster-news magazine host na sagutin ang mga tanong ni Vice kahit tungkol sa sex life niya?

Nag-guest si Korina kamakailan sa online talk show na Gabing-gabi Na, Vice at very revealing ang resulta ng tsikahan nila.

Una, inusisa ni Vice si Korina kung siya ang nagpapasya kung kailan ang “loving-loving” nila ni Mar, kung anong oras, at kung mabilisan ito.

Sagot ng seksi at magandang broadcast journalist na bagamat may reputasyon siyang matapang, submissive siya pagdating sa relasyon, kahit sa mga nakaraang nobyo.

Kaswal na kaswal n’yang paglalahad: “Hoy, I am a geisha. Iyan ang hindi alam ng marami… of all of my partners in life.

“Hoy, hindi naman marami, ha, excuse me, kaunti lang sila, mga boyfriend ko.” (At kabilang sa mga ‘yon ang naging presidente ng bansa na si Noynoy Aquino.)

 

Talagang edukada at kulturada si Korina. Pamilyar siya sa buhay ng mga “geisha” na walang kinalaman sa mga gay (bading).

Ang geisha ay tradisyonal na female entertainer sa Japan, na nagpe-perform ng Japanese art forms, sayaw, at kanta. Pagbibigay-konteksto ni Korina sa sagot n’ya: “At dito sa asawa ko, I’m very… I’m quite submissive, ano ba.

 

“Sample, kunwari magmamaneho siya [Mar] pupunta kami ng norte. Sasabihin niya, ‘Nasaan na tayo?’ Sabi ko, ‘Hindi ko alam, basta trust kita kung nasaan tayo.

 

“Ang ibig sabihin niyon, Vice, ‘pag ako may partner, bahala ka na sa akin. Basta susunod na lang ako. Tago na lang ako sa [kili-kili] mo.”

Ipinasya ng mautak na host na si Vice na palalimin pa ang usapan tungkol sa kung paano makipagrelasyon sa lalaki si Korina. Nilinaw n’ya kung si Korina ba ang tipo na matapang sa trabaho, pero kabaligtaran pagdating sa relasyon.

 

“I think so. Oo naman,” sagot ng news anchor at current-affairs host.

Humirit pa ng tanong si Vice tungkol sa “loving-loving moments ‘pag natutulog” sina Korina at Mar.

Agad na sagot naman ni Korina, “Sa loving-loving moments, ako ay isang babaeng marikit at dalagang Pilipina. Kailangan ligawan ako. Ganoon ako talaga.”

Problematic ba siyang suyuin kung gustong maglambing ni Mar?

 

“Ay hindi. Titingnan lang ako, alam ko na iyon. Pero kailangan makita ko’ yung titig niya. Kailangan ganoon.”

Biniro ni Vice si Korina na nakukuha pala ito sa isang tingin lang.

 

“Ano ba, hello! Magkukunwari pa ba tayo, mahigit 50 na ako. Buti nga tinitingnan pa ako.”

Walang-takot na kinulit ng live-in sweetheart ni Ion Perez din ang misis ng dating senador kung gaano ka-active sa loving-loving nila ang anak ng yumaong senador na si Gerry Roxas at socialite na si Judy Araneta-Roxas. 

 

“Sabihin na lang natin masaya ako,” at biglang natawa si Korina. “Basta ako, masaya ako. Masaya sa lahat ng bagay,” ang sagot ni Korina.

Sa bahaging iyon ng tsikahan, inilahad ni Korina na nagsisikap talaga siyang alagaan ang sarili para magmukha pa ring bata sa edad niya. Mistulang payo n’ya sa mga kapwa misis n’ya na career women din.

 

“I think, really, alagaan mo ang sarili mo, katawan mo, health mo.

“Ngayon pa lang kasi ‘pag inabuso mo talaga ‘yung katawan mo, ang health mo, maaga-aga ka rin tatanda.

“Importante talaga ma-maintain mo ‘yung vitality, energy, libido, mga ganyan.

“You have to start taking care of yourself in your 30s.”

Ipinagmalaki n’yang marami ang pumupuri sa kanya na maganda pa rin siya at maalindog pa kahit nasa mid-50s na siya.

Pero sinasagot nga niya ang mga pumupuri sa kanya na nag-e-effort siya.

“People ask me, ‘Korina, ha, okay ka, ha. Okay ka pa rin.’ Sabi ko, ‘Oy, hindi ganoon kadali iyon, ha.’

“Talagang inalagaan ko sarili ko. I work out, I eat well, I try to sleep well.

 

“I party hard, but I also take care of my self very well.” 

O, ayan, mga misis, alam n’yo na ang mga top secret ni Korina!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top