Thursday , April 25 2024

Janella Salvador preggy nga ba sa Fil-British singer-actor na si Markus Paterson? (Rason raw sa pagtanggi sa alok ng TV 5)

MAUGONG ang tsimis na kaya raw nasa London si Janella Salvador sa poder ng boyfriend na Fil-British singer-actor na si Markus Paterson ay dahil preggy raw ang Kapamilya actress.

Mas umingay ang chikang ito nang mapanood sa Tiktok si Janella na habang sumasayaw ay nag-dialogue raw na bawal pala siyang tumalon.

Isa pang nagpatibay sa issue ang pagpunta rin sa London ng mommy ni Janella na si Jenine Desiderio, para bisitahin ang kanyang only daughter.

Tapos dagdag rito na kaya raw tumanggi si Janella sa offer sa kanya ng TV 5 ay dahil maselan nga ang kanyang kondisyon ngayon.

Pero kahit may ganitong scenario hangga’t walang inaamin sina Janella at Markus, ay mananatiling haka-haka lang muna ang lahat at mahirap nang makoryente.

At kung true na buntis ang actress, blessing in disguise na nataon na wala siyang trabaho sa ABS-CBN. Isa si Janella sa mga pambatong batang artista ng Kapamilya network, at deserve naman niya at mahusay naman talaga siya.

Produkto pala ng Boyband PH ang sinasabing boyfriend ni Janella na si Markus.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *