Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Winwyn Marquez, ‘di alam ang ikikilos ngayong back to work na  
Winwyn Marquez, ‘di alam ang ikikilos ngayong back to work na  

Winwyn Marquez, ‘di alam ang ikikilos ngayong back to work na  

NAGSIMULA na ang taping ng cast ng upcoming GMA program na I Can See You. Kabilang sa bigating Kapuso stars na parte ng bagong handog ng GMA-7 ay sina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, Benjamin Alves, at Winwyn Marquez.

Excited itong nai-share ni Winwyn sa kanyang fans sa nakaraang Kapuso Brigade ZOOMustahan. Naikuwento rin niya na may takot pa rin siyang nararamdaman sa nakakapanibagong work setup.

“I’m leaving this week for a lock-in taping, so ‘di ko alam kung ano i-expect ko at paano ako mag-a-adjust. I just want to be honest. Natatakot ako, siyempre, kasi ‘di ko alam kung papaano kikilos, ‘di ko alam kung maapektuhan ba ‘yung pag-a-acting–it’s all new, e. Siguro, I’ll just take it day by day kung paano ako mag-a-adjust sa work.”

Abangan ang magiging karakter ni Winwyn sa drama anthology I Can See You malapit na malapit na sa GMA.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top