Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Nigeria nagtakda ng rekesitos sa travelers
Nigeria nagtakda ng rekesitos sa travelers

Nigeria nagtakda ng rekesitos sa travelers

KINOMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang provisional quarantine protocols na ipinatutupad ngayon ng Nigeria sa travelers kabilang ang mga Filipino.

 

Kabilang dito ang pagpresinta ng negative CoVid-19 RT-PCR result sa departure pre-boarding.

 

Kailangan gagawin ang PCR test 96 hours bago ang departure ng pasahero o sa loob ng 72 hours pre-boarding.

 

Inoobliga rin ng Nigerian government ang mga pasahero o travelers na mag-register sa online national payment portal at bayaran ang gagawing repeat o second PCR test sa kanilang pagdating sa nasabing bansa.

 

Muling pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa airlines at sa Embassies o Consulates ng Filipinas bago magpa-book ng ticket sa kanilang departure. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top