Wednesday , November 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kara o Krus sa Kalyeng Cruz 4 timbog (Sa Pasig City)
Kara o Krus sa Kalyeng Cruz 4 timbog (Sa Pasig City)

Kara o Krus sa Kalyeng Cruz 4 timbog (Sa Pasig City)

KALABOSO ang apat katao nang makompiska ng mga awtoridad ang tatlong pirasong mamiso o ‘pangara’ at bet money kamakalawa, 13 Setyembre, sa lungsod ng Pasig.

 

Kinilala ang mga nadakip na sina Dionito Bahia, 54 anyos; Romnick Calingasan, 31 anyos; Rafael Bernardo, 48 anyos; at Rolando Avelino, 33 anyos, pawang mga nakatira sa Bolante 1, Barangay Pinagbuhatan, sa naturang lungsod.

 

Ayon sa pulisya, dakong 11:30 pm nang maaktohan ang mga suspek na abala sa paghagis ng tatlong ‘pangara’ sa sugal na cara y cruz sa R. Cruz St., sa nabanggit na lugar.

 

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong baryang nagsisilbing gamit sa ilegal na sugal at bet money.

 

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa detention cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top