Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian Rivera, teleserye with Gabby Concepcion na “My First Yaya” sa GMA hindi na gagawin (Ayaw mawalay sa mga anak na sina Zia at Sixto)
Marian Rivera, teleserye with Gabby Concepcion na “My First Yaya” sa GMA hindi na gagawin (Ayaw mawalay sa mga anak na sina Zia at Sixto)

Marian Rivera, teleserye with Gabby Concepcion na “My First Yaya” sa GMA hindi na gagawin (Ayaw mawalay sa mga anak na sina Zia at Sixto)

IT’S been six months na hindi na nakukumusta ng kanyang chore group sa press ang sikat na actress TV host na si Marian Rivera. At alam naman natin ang rason na dinale tayong lahat ng CoVid-19 pandemic.

Last Saturday, kahit sa pamamagitan ng virtual interview ay nakipag-chikahan via Zoom sa aming lahat si Marian na mother of two pero hindi pa rin nagbabago ang kagandahan at kaseksihan.

Ang manager at nanay-nanayan ni Marian na si Sir Rams David ang nagsilbing host kasama ang dalawa sa moderator din na sina Tito Jun Nardo at guwapo at ma-PR na si Tristan Cheng na handler ni Yan-Yan.

Unang kinumusta ng press ay kung ano ang ginawa ng actress during lockdown? Hindi raw nasayang oras niya dahil bukod sa naasikaso niya ang kanyang mga anak na sina Zia at Sixto at hubby na si Dingdong Dantes ay nabigyan niya ng oras ang online class ni Zia gayondin ang kanyang classy flower shop na Flora Vida na araw-araw ay dinudumog ng kanilang mga kliyente.

Nagkuwento rin si Marian tungkol kay Dingdong na nag-umpisa na raw muling mag-taping ng “Descendants of the Sun.” Pero bago raw niya ito pinauuwi sa kanilang bahay ay kailangang 3 days munang naka-quarantine ang kanyang asawa nang sa ganoon ay safe sila sa coronavirus lalo’t ang inaalala niya ay maliliit pa ang mga anak nila ni Dong. Pero hindi raw makatiis ang kanyang hubby na actor at gusto na agad silang makita ni Zia at Sixto.

Samantala, agad na inilinaw ni Marian ang blind item, na lumabas na pinalitan na siya sa “My First Yaya” na pagtatambalan nila ni Gabby Concepcion. Aminado si Marian na hindi na talaga niya magagawa ang malaking teleserye nilang ito ni Gabby sa GMA-7 dahil hindi niya kaya ang lock-in taping na maiiwan niya ang mga anak nila ni Dingdong.

Kahit nakipag-compromise raw ang mother network na thrice a week lang ang taping niya sa nasabing serye tapos puwede na siyang umuwi, hindi pa rin niya ito tinanggap dahil devoted mother nga siya.

At laking pasasalamat ni Marian dahil lagi siyang naiintindihan ng management ng GMA, kaya papalitan na lang siya at aprobado raw sa kanya kahit na sino pa ang mapili na maging kapareha ni Gabby. Biro nga raw niya sa kanyang kuya Gabby, ay baka may balat sa puwet ang actor at hindi matutuloy-tuloy ang kanilang tambalan na dapat ay noon pa raw nangyari.

Para naman sa kanyang fans and supporters ay wala silang dapat na ikalungkot dahil patuloy nilang mapapanood si Marian sa weekend show na iniho-host na “Tadhana” na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang ratings. Si Dingdong raw ang nag-aasikaso sa kanya kapag nagte-taping sila ng Tadhana sa kanilang bahay.

Napapanood ito tuwing Sabado ng 3:15 pm bago ang Wish Ko Lang sa Kapuso network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top