Friday , April 26 2024

13 TV channels, sinagot ni Pacquiao para sa DepEd

IBANG talaga si Senator Manny Pacquiao! Aba eh, sinagot niya ang gastos para sa 13 TV Channels para magamit ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan.

Ani Pacman, hindi niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning.

“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,” giit ni Pacquiao. ”Alam ko rin na hindi pa 100% coverage ‘yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit may pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakatitiyak na aabot sa iyo ang mga aralin buhat sa DepEd.”

Sinabi pa ni Pacquaio na,”Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para may magamit na 13 TV Channels ang DepEd ng walang gastos para sa gobyerno at mga estudyante.

“Kaya wala ng dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan. Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napaka-halaga ng pag-aaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *