Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / 82nd Malasakit Center inilunsad sa Santiago City, Isabela
82nd Malasakit Center inilunsad sa Santiago City, Isabela

82nd Malasakit Center inilunsad sa Santiago City, Isabela

INILUNSAD ng pamahalaan nitong Biyernes ang ika-82 Malasakit Center sa bansa, na matatagpuan sa CoVid-19 designated hospital na Southern Isabela Medical Center, sa Santiago City, Isabela.  Nabatid na ito na ang ikalawang Malasakit Center sa Isabela at ikatlo naman sa Region 2.

Sa kanyang mensahe, sa isang video call, sinabi ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na ang mga Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan matatagpuan ang mga concerned government agencies na may programang nagbibigay ng financial at medical assistance sa mga pasyenteng Pinoy, partikular sa mahihirap at indigents.

“Lapitan ninyo lang ang Malasakit Centers para sa mga pangangailangan ninyong pangkalusugan. Para po ito sa lahat ng mga Filipino, lalo na ang mahihirap na nangangailangan ng tulong sa pampagamot. Sisiguraduhin natin na pagdating sa serbisyo mula sa gobyerno, sila ang ating uunahin lagi,” aniya.

Pinayohan rin ng senador ang mga personnel at local officials na bigyan ng espesyal na atensiyon ang mga pinaka-vulnerable na miyembro ng komunidad at hinikayat ang mga awtoridad na gawing prayoridad ang kapakanan ng mahihirap at indigents na pasyente.

“Ang Malasakit Center po ay walang politika, basta Filipino ka, lalo na kung poor and indigent patient ka, qualified ka po sa Malasakit Center,” ani Go.  “Isa lang po ang ipinagbibilin ko at pakiusap ko sa ating health workers natin diyan, sa mga doctor, administrator ng ospital, unahin po natin ‘yung mahihirap at mga wala pong ibang matakbohan, ito po ‘yung panahon na hirap na hirap na sila at humihingi ng tulong. Unahin natin at palaging protektahan ang kapakanan nila.”

Ang Malasakit Center ay ‘brainchild’ ni Go, at dito maaaring humingi ng tulong ang mga pasyente ng financial at medical assistance mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Ngayon na may CoVid-19, mas lalong kailangan po ang Malasakit Center para tumulong sa mga kababayan natin. Hindi na nila kailangan lumabas pa ng ospital at pumila sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno hanggang madaling araw pa at do’n po nagkakahawa-hawaan. Sa Malasakit Center, isang opisina na lang na nasa ospital mismo ang pupuntahan nila,” paliwanag ni Go.

Ang Malasakit Centers Act of 2019 ay nilagdaan bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte  noong Disyembre 2019 at layunin nitong gawing accessible para sa mga mamamayan ang lahat ng existing government medical at financial assistance programs, gayondin ay mapababa ang binabayarang hospital bills ng mga pasyente.

“Ngayon, mabilis na po ang proseso natin sa pagbibigay ng tulong. Hindi tulad noong unang panahon na palaboy-laboy pa sila. Hahanapin pa nila ang DSWD. Sa susunod na araw, hahanapin nila ang DOH, PhilHealth at PCSO. Ubos ‘yung panahon nila, ubos pa ‘yung pera nila sa pasahe sa kapipila para humingi ng tulong,” aniya.

Samantala, nanawagan rin si Go ng kooperasyon sa imbestigasyong isinasagawa ng pamahalaan hinggil sa alegasyong malawakang korupsiyon sa PhilHealth upang masigurong mapapanagot ang mga taong sangkot dito at mapaghuhusay ang serbisyo para sa mga mamamayan.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top