Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Phoebe, nakaaadik ang Krunchy Garlik Chili Oil at Ekstra Spicy Chili Oil
Phoebe, nakaaadik ang Krunchy Garlik Chili Oil at Ekstra Spicy Chili Oil

Phoebe, nakaaadik ang Krunchy Garlik Chili Oil at Ekstra Spicy Chili Oil

MULA nang sumulpot ang pandemic dahil sa CoVid-19, mas nagkaroon ng free time si Phoebe Walker. Ito ay nagresulta na mag-put-up siya ng bagong business na tinawag niyang Krunchy Garlik Chili Oil at Ekstra Spicy Chili Oil.

 

Although hindi raw ito ang original plan ng aktres, kundi ang magtayo ng bikini line business. “My original plan was to launch my own bikini line, pero covid happened… so, ‘di maganda ang timing po,” sambit ni Phoebe.

 

Dagdag niya, “Yes, gusto ko pong ituloy iyang bikini line business ko, may drawing na ako of my designs talaga. I have it ready. Need to move into production phase and sourcing of materials.”

Ngunit animo blessing in disguise ang nangyari na naudlot ang bikini business ni Phoebe, dahil dito’y nakita ng aktres ang isa pang negosyo na gusto niya talaga.

 

Ito ang kanyang masarap at nakagaganang sariling creation ng Krunchy Garlik Chili Oil at Ekstra Spicy Chili Oil na lalong dumarami ang mga loyal na suki.

 

“I’ve tried small businesses before, in food din po, pero stopped that a long time ago. Pero ito pong chili garlic, it’s something I thought of to keep me busy during this time,” wika ni Phoebe.

 

Paano nagsimula ang idea na pasukin niya ang ganitong business?

 

Esplika niya, “Hilig ko po ang maanghang kasi, may gusto akong gayahin na natikman ko before na ‘di ko na nahanap sa market. So, I researched recipes, then incorporated them and made my own po. Had my family and friends try it, tapos masarap daw and in a week, I started selling na po.

 

“It’s doing well and happy ako kasi hands-on ako sa business, it really keeps me distracted and gives me direction and motivation ngayon.”

 

Aniya, “So I learn and adapt and hopefully for my future businesses na plano ko, I can also apply what I’ve learned now.”

 

Satisfied ba siya sa taste ng nagawa niyang chili garlic oil?  “Yes, very happy and proud of its taste,” masayang sambit ni Phoebe.

 

Pahabol ng aktres, “I like my product kasi it’s not a one time meal na ubos agad, it stays on the table and customers can get creative with how they partner it.

 

“Iyong family ko po, addict dito… they use it on almost everything, noodles, pancit, fried rice, gyoza, etcetera.”

 

Mayroon ba siyang celebrity customers at online sellers? “Yes mayroon po, my friends buy din and I also give it away for promotion din po. Marketing expense kumbaga, hehehe…

 

“I have one in Valenzuela and one in Pasig pa lang po, mostly at retail po customers ko. Pero nabebenta naman, naka-display din po ako ngayon sa three locations, two in Pasig and one in Mckinley. So, I see the growth naman po kahit slowly,” aniya pa ukol sa kanyang resellers.

 

Sa mga gustong umorder, paano ang dapat nilang gawin? “Yes, online po, contact me thru my Fb or IG page @silling.silli then may instructions doon on how to order. I accept resellers also, para lahat kikita,” aniya pa.

 

Incidentally, mapapanood si Phoebe sa Bella Bandida ng Cignal TV ngayong October, starring Ryza Cenon.

 

Ano pa ang ibang projects niya? “I have an upcoming movie with Alex Medina, supposedly for Cinefilipino pero na-delay din. Tuloy naman ang shoot po soon and may international series din ako, na ang shoot target is November this year, if all goes well po.

 

“Iyong film is one hundred percent in Pangasinense, ode po siya to the people in Pangasinan, kasi our director is also from there. Ang title ay Malicdem de Matam or Close Your Eyes.

 

“May shoot po kami dapat sa South Korea, not sure lang if mag-push thru… I play the role of an OFW dito that gets mixed up romantically with Alex.

 

“Iyong about sa series, cannot say pa po, confidential pa. Pero big project ito, ang laking blessing sa akin to be part of this,” masayang saad ni Phoebe.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top