Friday , December 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Binatang giniyang timbog sa alak at droga sa Pasig
Binatang giniyang timbog sa alak at droga sa Pasig

Binatang giniyang timbog sa alak at droga sa Pasig

KALABOSO ang isang binata nang mahuli sa aktong nagnakaw ng isang bote ng gin at nakuhaan ng droga sa lungsod ng Pasig.

 

Kinilala ang nadakip na si Giro Cruz, 28 anyos, matapos ireklamo ni Marvil Cancisio, tindero sa 7/11 Convenient Store sa Barangay Caniogan, sa lungsod.

 

Ayon sa pulisya, dakong 3:30 pm nang pumasok ang suspek sa convenience store at nagtangkang magpuslit ng isang boteng Ginebra San Miguel na itinago sa bulsa.

 

Mabilis na lumabas ang suspek ngunit agad na nahuli ng security guard na ilang minuto na pala siyang pinagmamasdan.

 

Bukod sa alak na ninakaw, nakuha rin mula sa bulsa ng suspek ang isang transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 0.03 gramo.

 

Paniwala ng pulisya, ginigiyang ang suspek sa nararanasang pandemya pero walang pambili ng alak kaya tinangkang mang-umit ngunit minalas na maaresto. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top