Thursday , October 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Manay Ichu Maceda, pumanaw sa edad 77
Manay Ichu Maceda, pumanaw sa edad 77

Manay Ichu Maceda, pumanaw sa edad 77

MARAMI ang nalungkot sa pagpanaw ng itinuturing na isa sa haligi ng Philippine movies, si Ms. Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala bilang Manay Ichu.

Pumanaw si Manay Ichu kahapon ng umaga, Setyembre 7 sa edad 77 dahil sa cardio respiratory failure.

Isang misa ang inialay kay Manay Ichu kagabi sa Arlington chapel at pagkaraan ay isinagawa ang cremation.

Narito ang official statement ang pamilya ni Manay Ichu..

 

“With great sadness, the Maceda Family announces the passing of our beloved Mother, Maria Azucena “Marichu” Vera-Perez Maceda.

 

“She succumbed to cardio respiratory failure on September 7, 2020. In lieu of flowers, donations may be made in her honor to MOWELFUND. We will honor her with a mass at 6:00 pm tonight in Arlington chapel A and cremate immediately.

 

“She will be inurned at Sampaguita chapel beginning tom 1:00-8:00 pm ‘til we finalize.”

 

Naulila niya ang mga anak na sina Emmanuel, Ernesto Jr., Erwin, Edmond, at Edward Maceda.

Naging bahagi si Manay Ichu para mabuo ang Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), The Metro Manila Film Festival (MMFF), Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA) Experimental Cinema of the Philippines (ECP), at Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang pamilya ni Manay Ichu ang may-ari ng pinaka-una at malaking film company sa Pilipinas, ang Sampaguita Pictures (1937). Dito nakilala ang mga artistang sina Elsa Oria, Rogelio dela Rosa, Carmen Rosales, Tita Duran, Angel Esmeralda, Corazon Noble, Pancho Magalona, Gloria Romero, Cesar Ramirez, Rita Gomez, Ric Rodrigo, Lolita Rodriguez, Eddie Arenas, Amalia Fuentes, Romeo Vasquez, Susan Roces, Luis Gonzales, Nora Aunor, at Tirso Cruz III.

 

Taong 2005 nang tumigil sa paggawa ng pelikula ang Sampaguita Pictures. Si Manay Ichu ang producer ng mga classic movie na  Dyesebel at Batch 81.

 

Mula sa pamunuan ng Hataw, ang buong pusong pakikiramay namin sa mga naulila ni Manay Ichu.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top