Thursday , September 23 2021

Ginang na tulak timbog sa Antipolo (P.7-M droga nasamsam sa buy-bust)

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.5 milyong halaga ng shabu mula sa isang ginang sa isinagawang buy bust operation noong Linggo ng gabi, 6 Setyembre, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal.

 

Sa ulat na tinanggap ni P/Col. Joseph Arguelles, Rizal PNP Provincial Director, kinilala ang suspek na si Corazon Antonio, nasa hustong gulang, nakatira sa Sitio Bagong Nayon 2, Barangay San Isidro, sa nabanggit na lungsod, na nadakip dakong 7:45 pm noong Linggo, sa buy bust operation na ikinasa ng Antipolo PNP.

 

Nasamsam ng mga pulis sa suspek ang 36 piraso ng transparent plastic sachet na aabot sa 110 gramo ng droga at tinatayang nagkakahalaga ng P748,000.

 

Dagdag ng pulisya, ilang buwan na nilang imino-monitor ang raket ng suspek na kabilang sa barangay drug watchlist. (EDWIN MORENO)

About Ed Moreno

Check Also

Doktora sa Abra niratrat patay sa atake sa puso

SUGATAN ang isang doktor, ngunit binawian ng buhay kalaunan nang atakehin sa puso, matapos pagbabarilin …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *