Wednesday , September 24 2025
shabu drug arrest

3 bebot, arestado sa P.2-M shabu

TATLONG babaeng tulak ng droga ang nasakote, na kinabibilang ng isang fire protection agent matapos makuhaan ng mahigit sa P.2 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Reya Remodaro, 24 anyos, sales lady; Elizabeth Yabut, 59 anyos, kapwa  residente sa Sawata A1, Caloocan City; at Glen Ritaga, 48 anyos, fire protection agent, residente sa Mary Ann St., Isla San Juan, Tondo, Manila City.

Ayon kay Col. Tamayao, dakong 4:10 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Adonis Aguila ang buy bust operation laban sa dalawang babae sa kanto ng Dalagang Bukid at Tanigue streets sa Barangay Longos.

Matapos matanggap ng pulisya ang impormasyon hinggil sa bentahan ng ilegal na droga, agad nagkasa ng operasyon ang mga awtoridad.

Nagawang maki­pag­transaskyon ng isang pulis na umaktong poseur-buyer kina Remodaro at Yabut ng P500 halaga ng shabu.

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

Nakompiska sa mga suspek ang 47 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 37.3 gramo ng shabu na may standard drug price P253,640, buy bust money, at sling bag.

Kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ang  kinakaharap ng tatlong suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …