Thursday , April 18 2024

Naimpeksiyong bukol sa ilalim ng paa pinagaling ng Krystall Herbal products

Dear Sister Fely Guy Ong,

Maipapatotoo ko po sa inyong produkto na natuklasan ko, ang Krystall Vitamin B1 at B6, ang pinakamabisang gamot para sa akin.

At isa pa pong maipapatotoo ko, ang apo ko po ay may bukol sa ilalim ng kanyang talampakan at ‘yung paa niya ay tatlong araw nang nama­maga. Hindi siya makatulog sa gabi at iyak nang iyak sa sobrang sakit.

Nang makita ko ang paa niya nilagyan ko ng Krystall Herbal Oil at Krystall Herbal Powder kaya noong gabi ring iyon ay nakatulog na siya.

Ang paa niya ay puno ng nana at ang laki-laki ng bukol. Ang sabi ng kanyang nanay, dadal­hin na lang daw sa doctor at ipabibiyak.

Hindi pumayag ang aking apo, kaya ang ginawa niya, siya na ang bumutas at nang luma­bas ang nana at dumugo naginhawahan na siya.

Noong siya’y may sugat, binigyan ko siya ng Krystall Herbal Oil at Krystall Powder at pati na rin ng Krystall Yellow Tablet na kanyang ini­nom.

Napakabisa talaga ng inyong mga produkto. Salamat sa Panginoon, hindi na gumastos nang malaki ang kanyang magulang.

Maraming-maraming salamat sa Panginoon at natuklasan ko ang produktong Krystall na nabibili ko sa inyo at marami rin akong naitutulong sa iba dahil sa Herbal products.

Hanggang dito na lamang po, maraming salamat kay Yahweh El Shaddai at ginabayan tayong lahat.

 

Nagpapatotoo,

SIS BENITA V. SOSA

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

 

About Fely Guy Ong

Check Also

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *