Friday , April 19 2024

Judy Ann Santos, naisnab sa 43rd Gawad Urian

INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado nila sa iba’t ibang kategorya para sa kanilang 43rd Gawad Urian.

Ang mga niminado para sa Best Actress category ay sina Alessandra de Rossi (Lucid), Kathryn Bernardo (Hello Love, Goodbye), Max Eigenmann (Verdict), Angie Ferro (Lola Igna), Jean Garcia (Watch Me Kill), Janine Guttierez (Babae at Baril), Anita Linda (Circa), Bela Padila (Manianita), Sue Prado (Alma-Ata), at Ruby Ruiz (Iska).

Kapansin-pansin na wala ang pangalan ni Judy Ann Santos bilang nominado, to think na siya ang itinanghal na Best Actress last year sa Metro Manila Filmfestival at Gawad Tanglaw para sa Mindanao. At sa Cairo International Film Festival ay wagi rin siya bilang Best Actress para rin sa nasabing pelikula.

Sabagay, kanya-kanyang panlasa naman ang mga hurado ng iba’t ibang award-winning body. Nagkataon na hindi pumasa sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang akting na ipinamalas ni Juday sa Mindanao.

 

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *