Thursday , April 25 2024

Eugene, ‘di umatras sa hamon nina Sanya at Gardo

IPINASILIP ni Eugene Domingo ang kanilang naging taping sa ilalim ng new normal para sa panibagong fresh episode ng Dear Uge Presents.

Sa ipinost na Instagram video ng aktres, mapapansin na nakasuot ng face masks at maingat na sinusunod ng production crew ang social distancing.

Aniya, “Working on fresh episodes for Dear Uge Presents, this time with our cupcake @gardo_versoza and the lovely @sanyalopez.” 

Sa fresh episode ay makakasama ni Eugene sina Sanya Lopez at Gardo Versoza na kapwa trending ang videos sa TikTok. Hindi tuloy nakaligtas ang Kapuso actress at napa-TikTok na rin kasama ang dalawa sa dance challenge na Savage Love.

Marami naman ang pumuri sa performance ni Eugene sa previous fresh episode ng Dear Uge Presents: My Forgettable Love nitong nakaraang Linggo kasama si Neil Ryan Sese.

Tutukan ang Dear Uge Presents tuwing Linggo, 2:30 p.m., sa GMA-7.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *