Thursday , April 18 2024

Ted Failon, nagpaalam na sa TV Patrol;  Lilipat na sa TV5

PAGKARAANG ianunsiyo ng ABS-CBN na hanggang Agosto 28 na lamang mapapanood ang kanilang TV Patrol sa 12 lokal na probinsiya, si Ted Failon naman ang magpapaalam sa kanyang mga programa.

Tatlumpung taon ding nakasama si Ted sa paghahatid ng balita sa mga tahanan natin at ngayong gabi, Agosto 31, huling beses nang mapapanood ang batikang broadcaster sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo dahil nagpaalam na ito.

Balitang lilipat ang batikang broadcaster sa TV5 kasama nito ang mga staff ng kanyang programang Failon Ngayon.

Ayon sa ABS-CBN, ang pagpapatigil sa radio broadcast operations nila ang nag-udyok para magpaalam si Failon. Bagamat sila’y nalulungkot, iginagalang nila ang desisyong ito.

“Hinaha­ngaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.

“Nagpa­pasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network. Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay. Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin,” sambit pa sa statement ng Kapamilya Network.

 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *