Saturday , January 23 2021
Breaking News
You are here: Home / News / 1.5 kilong ‘tsongki’ itinapon sa Pasig River
1.5 kilong ‘tsongki’ itinapon sa Pasig River

1.5 kilong ‘tsongki’ itinapon sa Pasig River

ARESTADO ang dalawang lalaki sa pagtatapon ng ‘basura’ sa Pasig River, Sta. Cruz, Maynila, nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Mc David Chua, 29 anyos; at Garner Cunanan, 19, kapwa residente sa C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila .

Sa ulat, 7:00 am kahapon, 30 Agosto nang arestohin ang mga suspek sa Muelle Del Banco corner T. Pinpin St., Sta. Cruz, nang isumbong na nagtapon ng ‘basura’ sa Pasig River at nang madiskubre’y isang kilo’t kalahati ng marijuana ang kanilang ibinato sa ilog na tinatayang nasa P82,500 ang halaga.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Presidential Decree No. 825o o Providing Penalty for Improper Disposal of Garbage and Other Forms at Uncleanliness and for Other Purposes, at Section 11 (posession) ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top