Friday , January 22 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Xian, emosyonal nang malamang ooperahan ang lolang may breast cancer
Xian, emosyonal nang malamang ooperahan ang lolang may breast cancer

Xian, emosyonal nang malamang ooperahan ang lolang may breast cancer

NABAHIRAN ang sana’y masayang araw ni Xian Lim ng kalungkutan nang malamang ooperahan ang kanyang lola. Maganda kasi ang feedback ng pelikula nilang I Love The Way You Lie kasama sina Kylie Verzoza at Alex Gonzales nang malamang ooperahan ang kanyang 87-year old na lola dahil sa breast cancer.

 

Emosyonal na nag-post ng video niya si Xian sa kanyang FB page nitong Lunes nang ibalita na ang Lola Leonie niya na mama ng mommy niyang si Mary Anne Lim ay kailangang ipa-admit para sa pagpapagamot.

 

Aniya, “So, today’s a different type of day, we are bringing my lola to the hospital (sabay tuloy ng luha).

“I think the procedure is called mastectomy, where they have to remove, I guess, her left or right breast, because they found cancer. So my grandma has cancer right now,” saad ng binata.

 

Ang paliwanag ni Xian kaya niya isinapubliko ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya ay para ipaalala na mahalaga ang bawat sandali na kasama ang bawat miyembro ng pamilya.

“I guess it’s more for people to take a moment and enjoy the moments you have with family and friends.

“So, basically, that’s it. If you have a moment of your time right now, just go to your mom, dad, your, grandpa, your lola, and say, ‘I love you’ to them. Enjoy them while they’re around.

 “She’s still around, malakas pa naman siya. It’s just that, you know, may mga uncertainties in life, and there’s moments talaga na hindi natin nako-control, so don’t take time for granted.

“Don’t take time for granted and love your parents, love your grandparents, because all the money in the world, all the things that you have, wala ‘yang laban sa time.

“So just please reach out to your family now and just give them a hug and say, ‘I love you.’

 “The grandma is okay, this is not a farewell video. I just want share something.

“I barely share anything. I’m a closed person, pero ‘yun nga, sa lahat ng nangyayari, just want to share some positivity to my viewers,” say ng aktor.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top