Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah Balabagan umamin na: Arnold, ama ng kanyang panganay
Sarah Balabagan umamin na: Arnold, ama ng kanyang panganay

Sarah Balabagan umamin na: Arnold, ama ng kanyang panganay

PAGKALIPAS ng 22 years ay ngayon lang umamin si Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang tunay na ama ng kanyang panganay na anak na babae na edad 21 na ngayon.

Si Sarah ay edad 14 noong nagpasyang mamasukan bilang domestic helper sa United Arab Emirates na nakulong dahil napatay niya ang amo dahil gusto siyang gahasain.

Nakulong si Sarah mula 1994-1996 at may sentensiyang kamatayan, pero napababa ito sa tulong na rin ng namayapang Ambassador Roy Seneres at Mr. William Gatchalian na nag-donate ng $40,000 bilang blood money para makalaya siya.

Sa pagbabalik ni Sarah sa Pilipinas, kaliwa’t kanan ang miyembro ng media na gusto siyang makapanayam at isa na nga ang GMA News anchor na si Arnold na tumutok sa istorya niya.

Tandang-tanda namin noon na lagi rin kaming nakakasama ni Sarah dahil nakatutok din kami sa shooting ng pelikula niyang The Sarah Balabagan Story na pinagbidahan ni Vina Morales na idinirehe ni Joel Lamangan produced ng Viva Films noong 1997.

Pansin naming close na noon sina Sarah at ang kuya Arnold niya pero hindi kami nag-isip ng malisyda dahil nga bata pa noon ang una hanggang sa kalaunan ay umugong na ang tsismis na mayroon silang relasyon pero itinanggi naman nila ito.

Lumipas ang kulang dalawang taon ay biglang nawala na sa sirkulasyon si Sarah at nabalitang buntis ito. At dito na umugong ang tsikang si Arnold ang ama.

At nitong Linggo ng gabi, 10:00 p.m. sa Amerika ay nabigyan na ng linaw ni Sarah na ang GMA news anchor nga ang ama ng panganay niya sa pamamagitan ng FB Live niya.

“In respect po sa aking asawa, kay Jun Sereno at humingi po ako sa kanya ng pahintulot/permission na magsalita for once and for all para maging malinaw na.

“Sino ba talaga ang ama ng panganay ko? Nagpapasalamat po ako sa Diyos kasi very supportive po ang aking asawa at napakalaki po ng sakripisyo niya sa akin na kung alam n’yo lang po ang buhay ko talaga,” tumawang sabi ni Sarah.

Inamin din ni Sarah na hiningi muna niya ang go signal ng asawa para ikuwento na niya ang lahat-lahat pati sa magulang at mga kapatid na nasa Mindanao ngayon.

“Kaya ko po ginagawa ito ay dahil po after 22 years na po na pangyayari sa buhay ko, ito na naman. Lumabas na naman. Sabi nga nila, walang bahong hindi lalabas. Naisip ko po, hindi po ako nalungkot para sa sarili ko, dahil sa totoo lang po, by God’s grace, nakapag-move on na po ako. Masaya na ako sa buhay ko ngayon.

“Paano ‘pag wala na rito ako sa mundo? Tapos hindi ko ito itinama, ikinorek? Baka mamaya maging multo pa ito sa mga anak ko o kaya gamitin pa ng mga demonyo para guluhin ang isipan ng mga anak ko.

“‘Yung panganay ka po malaki na siya, she’s 21 years old so maiintindihan na niya, may mga maliliit pa po akong mga anak na dapat kong isipin,” kuwento ni Sarah.

Dagdag linaw pa ni Sarah, “Alam niyo po, si the late Ambasador Roy Señeres, siya po ‘yung tumulong sa akin. Ang pamilya po niya ang tumulong sa akin noong mga panahon na ako ay nabuntis. At para hindi kumalat sa public, para hindi masira ‘yung image ko noon, image niyong taong (Arnold) ‘yon, ay itinago ako, kinupkop po nila ako nina Ambassador Roy Señeres. Ang nakalulungkot, binabaliktad na siya raw ‘yung ama.”

Sabi pa ni Sarah, “Kaya po kami naging close. Ngayon po, sa lahat ng mga nakakikilala personally kay Arnold Clavio, alam niyo po kung gaano po siya ka-kengkoy.

“Hindi lamang po ‘yung mukha niya kung hindi po ‘yun talagang ‘yung sense of humor niya. Kahit ‘pag umiiyak ako, kahit malungkot ako, napapatawa niya po ako. So, just imagine po, na galing ako sa kulungan. Kung gaano po ako ka-vulnerable noon.

“Siya po ‘yung isang tao na sa kauna-unahang pagkakataon na nag-pasyal sa akin sa Maynila. Siya rin po ‘yung kauna-unahang tao na nagyaya sa akin na manood ng sine sa Maynila. So ako naman po, tuwang tuwa. ‘Napakabait naman ni kuya Arnold.’ Marami pa pong kwento pero ayaw kong ikuwento ngayon.

“‘Yun lamang po. Inaamin ko na si Arnold Clavio po ‘yung (tatay) ng panganay ko pong anak. Alam ko po nagkasala po ako, at saludo po ako sa kanyang maybahay, sa kanyang asawa dahil noong malaman niya ‘yung totoo, talagang sinuportahan niya si Arnold.

“Siya pa po ‘yung nag-reach out sa akin sa messenger at nag-message siya sa akin. Ito ang sabi niya sa message, ‘Sarah, I forgave you.’”

At sa mga gustong makapanayam si Sarah, makinig sa kanyang radio program sa Amerika na PHLV Radio Presents Sari-Sarah, Tuesdays 7:00 p.m. or maaari siyang mapanood sa kanyang FB Live sa parehong oras.

Bukas naman ang pahinang ito para kay Arnold ‘Igan’ Clavio.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top