Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Neil Ryan Sese, na-enjoy ang pagde-deliver ng seafood
Neil Ryan Sese, na-enjoy ang pagde-deliver ng seafood

Neil Ryan Sese, na-enjoy ang pagde-deliver ng seafood

IKINUWENTO ni Descendants of the Sun PH star Neil Ryan Sese kung paano siya kumikita ngayong may pandemya at pansamantalang naantala ang trabaho sa showbiz.

 

Sa interview niya sa Amazing Earth, sinabi ni Neil na kasalukuyan siyang nagde-deliver ng seafood sa iba’t ibang lugar gamit ang kanyang bisikleta.

 

Aniya, “Sobrang nae-enjoy ko na. Kasi akala ko noong una gagawin ko lang siyang business noong lockdown. ‘Di ko naman akalain, ‘di naman natin akalain lahat na hahaba ng ganito ‘yung lockdown.

 

Malaki ring tulong ang ganitong klase ng trabaho sa bikers na kagaya niya.

 

Alam ko nga may mga kaibigan akong nawalan ng trabaho na bikers din. I think ito ‘yung malaking makatutulong sa kanila kasi kayang-kaya nila gawin ‘to for sure,” dagdag pa ng aktor.

 

Samantala, napanood si Neil sa episode ng Dear Uge Presents kasama sina Eugene Domingo, Candy Pangilinan, at Lotlot de Leon noong Linggo sa GMA Network.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top