Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga bida sa nauusong bading serye, may kanya-kanyang milagro
Mga bida sa nauusong bading serye, may kanya-kanyang milagro

Mga bida sa nauusong bading serye, may kanya-kanyang milagro

MAY isang baguhang artista na gumagawa ngayon ng nauusong bading serye sa internet, na sinasabing noong araw ay may post doon sa dating apps na Rentmen at nakikipag-date sa mga interesado sa kanya sa halagang P20K sa magdamag. Siyempre biglang inalis na iyon ngayon nang sumikat siya, at kung ginagawa pa niya iyon, mas mataas na siguro ang presyo.

Iyong isa naman na may bading serye rin, naging syota ng isang bading na sumali pa sa contest sa isang noontime show, at may sex video pa silang dalawa na kumakalat din.

Iyong isa pa ay may ginagawa ring bading serye, sinasabing nanggaling daw sa isang gay bar sa San Juan noong araw.

Wala kaming pakialam diyan sa mga gumagawa ng mga bading serye, pero sana naman pumili sila ng mga gagawin nilang artista na hindi ganyan ang reputasyon, dahil ang nadadamay iyong mga artistang matitino. Maski na iyong mga walang milagro, napagbibintangan tuloy na galing din sa kanyang madilim na pamumuhay. Kawawa naman iyong hindi ganyan.

Pati iyong iba tuloy nadadamay.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top