Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jon Lucas, nagpasalamat sa sobra-sobrang pagmamahal
Jon Lucas, nagpasalamat sa sobra-sobrang pagmamahal

Jon Lucas, nagpasalamat sa sobra-sobrang pagmamahal

NOONG August 18, masayang nagdiwang ng kaarawan si Jon Lucas. Pagbabahagi niya sa Instagram, ito ang pinakamasayang birthday niya.

 

“Sa kabila ng kahirapan at mga pagsubok na ito sa buhay, ang masasabi ko lang, ito ang pinakamasayang taon ng birthday ko. Nakita ko ang totoo kong kayamanan, pamilya, at mga kaibigan.

 

“Kaya naman, salamat sa mga pagbati n’yo sa akin. Salamat din sa mga tao na nagpadala ng makakain. Salamat sa pagmamahal n’yo sa akin kahit hindi ko ito natumbasan kahit kailan.

 

“Higit sa lahat, maraming salamat sa Diyos sa panibagong taon na dinagdag niya sa akin. Masaya ako guys! SALAMAT.”

 

Samantala, balik-taping na si Jon at iba pang cast ng Descendants of the Sun PH para sa fresh episodes ng primetime series. Tiyak na aabangan ito ng loyal viewers ng programa na nabitin sa panonood nito sa GMA Telebabad.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top