Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong at Marian, hiwalay muna
Dingdong at Marian, hiwalay muna

Dingdong at Marian, hiwalay muna

AARANGKADA na sa pagbabalik-taping ang Kapuso series na Descendants of the Sun.

 

Bago sumabak sa taping, masusing paghahanda at swab testing ang lahat ng artista at production team ng DOTS Ph.

 

Sampung araw lang ang itatagal ng kanilang taping at limitado lang ang bilang ng tao at walang puwedeng lumabas sa location.

 

Bilang pagtugon na rin ito sa health protocols na sinusunod ng Kapuso Network ngayong may pandemya.

 

Samantala, bukod sa balik-taping, masaya ang buong team dahil dumating na sa bansa ang trophy para sa award nitong Most Popular English Drama of the Year mula sa Seoul International Drama Awards.

 

Eh dahil sa trabaho, hiwalay muna ng ilang araw sina Dingdong Dantes na bida ng series at asawa niyang si Marian Rivera.

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top