Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carmina, mamimigay ng 10 tablet

Carmina, mamimigay ng 10 tablet

NAKATATABA ng puso ang walang sawang pagtulong ng Kapuso celebrities sa mga apektado ng pandemic. Kamakailan, inanunsiyo ng  Sarap ‘Di Ba? host na si Carmina Villaroel na magkakaroon siya ng giveaway para sa mga estudyanteng nangangailangan.

Sampung lucky students ang mananalo ng tablet na magagamit nila sa pag-aaral ngayong school year bilang online na muna ang lahat ng classes. Open ang giveaway na ito para sa mga taga-Metro Manila at simple lang ang kaniyang mechanics para makasali!

Siguruhin lang na naka-follow sa Facebook page, Twitter, at Instagram accounts pati YouTube channel ni Carmina at i-comment ang city of residence at year level sa comment section na How to clean your ref vlog niya.

Samantala, patuloy na napapanood sina Carmina, Mavy, Cassy, at Zoren Legazpi sa fresh episodes ng Sarap ‘Di Ba? tuwing Sabado ng umaga sa GMA Network.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top