Sunday , January 24 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bading series sex video ni newcomer, nabuking
Bading series sex video ni newcomer, nabuking

Bading series sex video ni newcomer, nabuking

MAY lumabas na sex   video ang isang newcomer na gumagawa ng isang bading series sa internet. Iyon pala, naging boyfriend siya noong araw ng isang bading na sumali pa at nanalo sa isang gay contest sa telebisyon. Iyong video ay kuha raw noong panahong magsyota pa sila, at hindi pa operada ang bading. Ibig sabihin hindi pa siya “transwoman” noon.

Hindi mo aakalaing gumawa ng ganoong kahalayan ang newcomer, dahil mukha naman siyang disente at galing din naman sa isang disenteng eskuwelahan. Pero napakahirap talagang itago ang isang madilim na nakaraan, lalo na kung ikaw ay nasa showbusiness. Tiyak na may nakapanood niyan noong araw, may nakapagtago ng kopya at dahil sumisikat ka na, ilalabas nila iyon ngayon.

Iyan ang problema ng mga nakagawa ng ganyan noong panahong hindi pa sila sikat. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top