Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rhian, isa ng quarantita
Rhian, isa ng quarantita

Rhian, isa ng quarantita

DAHIL sa ilang buwan na ring nasa bahay lang muna, maraming new hobbies na nasubukan si Rhian Ramos.

 

Para maging busy at productive sa bahay, ini-revive ni Rhian ang kanyang YouTube channel para ibahagi sa fans ang iba’t ibang activities na kanyang pinagkakaabalahan.

 

Ilan sa vlogs na patok sa netizens ay ang kanyang skincare routine, pag-bake ng brownies at pag-tie dye ng kanyang mga damit.

 

Kaya naman aminado si Rhian na dahil sa hobbies na ito ay isa na siyang ganap na ‘quarantita.’

 

Caption niya sa kanyang IG post, “Baking, skincare, dresses, flowers.. Who am I? I like it. I’m getting my quarantita on.”

 

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-trabaho para sa serye na Love of my Life, napapanood si Rhian sa rerun ng Stairway to Heaven na magtatapos na ngayong Biyernes, August 14, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime. 

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top