Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Chris Tiu, sobrang na-miss ang mga kasamahan sa iBilib
Chris Tiu, sobrang na-miss ang mga kasamahan sa iBilib

Chris Tiu, sobrang na-miss ang mga kasamahan sa iBilib

INAMIN ng Kapuso TV host na si Chris Tiu na na-miss niya ang kanyang co-hosts at colleagues sa award-winning infotainment show na  iBilib matapos maantala ang kanilang taping at hindi magkita ng ilang buwan.

 

Aniya, “I am very excited to go back to work to see my colleagues. This is the longest time we’ve been apart.”

 

Ngayong Linggo (August 16) ay may masayang fresh episode na handog sina Chris kasama ang kuwelang tandem nina Roadfill at James ng Moymoy Palaboy para sa mga bagets na stuck at home pa rin ngayong quarantine.

 

Paniguradong mag-e-enjoy ang viewers sa inihandang bagong science experiments at mapabibilib sa ipamamalas na inventions at tricks ng ilang special guests.

 

Samahan sina Chris at Moymoy Palaboy sa kanilang nakabibilib na science experiments at tricks sa fresh episode ng iBilib ngayong Linggo, 9:35 a.m., sa GMA Network.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top