Monday , November 17 2025

Malate chief cop patay sa atake (2 MPD top official positibo sa CoVid-19)

MALUNGKOT na kinompirma ni Manila Police District (MPD) director BGen. Rolando Miranda na namatay ang isa sa kanyang police station commander matapos isugod sa Manila Medical Center nang makaramdam ng paninikip ng dibdib kamakalawa ng gabi sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng pang-unang lunas si Lt. Col. Michael Garcia, station commander ng MPD Malate Station (PS-9) dakong 9:46 pm sa Manila Med.

Ayona kay P/BGen. Miranda, dakong 7:00 pm nang isugod ng kanyang mga tauhan si Garcia sa naturang ospital matapos uminda ng pagsikip ng dibdib at nahirapan sa paghinga.

Ayon sa ulat, cardiogenic shock secondary to acute coronary syndrome myocardial infarction ang sanhi ng pagkamatay ng opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ng asawa ni Garcia na ang kanyang mister ay matagal nang nagrereklamo ng pananakit ng dibdib na posibleng dulot ng heart enlargement.

Una nang nagnegatibo sa CoVid-19 test si Garcia.

Si Garcia ay kabilang sa PNPA Class 99.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni  Miranda sa lahat ng MPD personnel na magsagawa ng contact tracing sa mga nagkaroon ng close contact kay Garcia  o makipag-ugnayan sa DHS para mai-monitor ang kanilang kalagayan.

Nabatid na dalawa pang mataas na opisyal ng MPD ang nagpositibo sa CoVid-19 at dinala sa isolation facility sa NCRPO. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …