Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gold Azeron, kayang mag-frontal
Gold Azeron, kayang mag-frontal

Gold Azeron, kayang mag-frontal

MUKHANG susunod sa yapak ni Coco Martin ang dating child star at ngayon ay binatang-binata ng si Gold Azeron na palaban pagdating sa pagpapa-sexy sa pelikula.

Matapang at buo ang loob ni Gold na magpakita ng katawan sa kanyang mga proyekto.

Katulad na lang ng pelikulang Metamorphosis na nagpakita ito ng  maselang bahagi ng katawan. Pero ang konsuwelo naman ay ang pagkapanalo niya ng Best Actor.

Sa online series namang Unlocked…Ivan and Jack, may masturbation scene ito at kitang-kita ang na ayon kay Gold ay parehong peke at hindi kanya iyong ipinakita.

Sinabi pa ni Gold na willing siyang gumawa ng pelikulang sobrang sexy at may frontal scene kung pang international, kinakailangan sa istorya, at kung papayagan siya ng kanyang mga magulang.

Hindi nga issue sa kanya ang sobra-sobrang pagpapakita ng katawan sa mga proyektong ginagawa dahil trabaho lang naman iyon at kinakailangan talaga sa eksena.

Gusto nga nitong maabot kahit kapiranggot ng kasikatan ng kanyang idolong si Coco na naging matapang sa pagpapakita ng  hubad na katawan noon.

Matapos manalo ni Gold sa Metamorphosis, nagkasunod-sunod na ang  proyekto niya.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top