Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bianca Umali, mahal na mahal ang kanyang mga tagahanga
Bianca Umali, mahal na mahal ang kanyang mga tagahanga

Bianca Umali, mahal na mahal ang kanyang mga tagahanga

NAGKAROON ng virtual bonding si Bianca Umali sa kanyang mga loyal supporter via zoom na tinawag nitong Zoomustahan.

 

Post ni Bianca sa kanyang IG account na may kasamang litrato ng zoomustahan na naganap, “Swipe left! Zoomustahan! Last night, with people I have so much love for. Kahit kailan, hindi kayo nawawala sa tabi ko. Isa kayo sa mga inspirasyon ko.

 

“Isa kayo sa mga dahilan ng kasiyahan ko. Isa kayo sa mga nagpapalakas sa akin. Please know that I appreciate each and every one of you. MARAMING SALAMAT at MAHAL NA MAHAL KO KAYO! @biancaddiction @biancaeliteofc.”

 

Malaki nga ang pasasalamat ni Bianca sa kanyang mga tagahanga na simula pa lang ng kanyang career hangang ngayon ay nariyan pa rin at patuloy siyang sinusuportahan.

 

Kaya naman lagi itong naglalaan ng oras para kumustahin ang kanyang mga tagahanga at balitaan kung ano ba ang latest sa kanya.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top