Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, nambi-bimbang ang ka-live-in

Aktor, nambi-bimbang ang ka-live-in

MUKHANG may problema na naman ang isang actor. Sabi ng aming sources, hindi na naman maganda ang pagsasama nila ng kanyang “latest na asawa.” Kung sa bagay, hindi naman talaga nakapagtataka iyan dahil wala naman siyang relasyong tumino kahit na noong una pa.

 

Ang problema naman daw sa latest niyang “asawa” o live-in partner, tatlo na ang kanilang anak, at dahil seloso nga ang actor, itinigil niya ang dati niyang negosyo noon na pinagkakakitaan niya nang mahusay. Pero sabi nga ng aming source, mukha nga raw mauuwi sa paghihiwalay ang relasyong iyan dahil “nabi-bimbang” na ng actor ang kanyang “latest na asawa.” Kawawa naman iyon na minsan nga raw ay nagkaroon pa ng black eye.

 

At nananakit na pala siya ngayon. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top