Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anthony Taberna may alok sa DZRH (Hindi totoong nasa GMA)
Anthony Taberna may alok sa DZRH (Hindi totoong nasa GMA)

Anthony Taberna may alok sa DZRH (Hindi totoong nasa GMA)

Naglipana talaga ang mga vlogger na pawang imbento ang mga itsinitsika sa kanilang viewers na

kung may totoo man ay 1% na lang yata.

Hayan at headline sa kanilang vlog sa YouTube na nasa GMA 7 na raw ang isa sa pambatong anchor ng DZMM Teleradyo na si Anthony “Tunying” Taberna.

Pumirma na raw ng kontrata sa Kapuso network. Itinanong namin ito mula sa isang insider sa ABS-CBN

at sabi mapapanood ngayon si Ka Tunying sa kanyang sariling online show sa YouTube at nasa Kapamilya network pa rin.

Ang totoo raw, may offer sa nasabing bigating TV and radio personality pero hindi sa Kapuso network kundi sa Manila Broadcasting Company sa kanilang

ilang dekadang AM radio na DZRH.

E kumusta naman ang tandem niyang si Gerry Baja? Abangan na lang daw at baka muling magsama sa isang proyekto si Gerry at Anthony.

‘Yun na!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top