Categories: News

Residente ng SJDM City nangamba sa lockdown

Share

NAGPAHAYAG ng pangamba ang mga-taga San Jose Del Monte City sa napipintong lockdown na ipapatupad ng lokal na pamahalaan pinamumunuan ni Mayor Arturo Robes.

Anang mga taga-San Jose, naghihirap na nga mga tao, dadagdagan pa ng lockdown.

Ang pahayag ay inilabas ng public information office ng lungsod kahapon.

“Ayusin nila ang paglalabas ng informations and guidelines sa nasasakupan nila para malaman ng mamamayan kung paano mag-a-adjust sa sitwasyon. Mga taong naghahanapbuhay ang maiipit sa sitwasyon, hndi biro ang dalawang linggong hindi makauwi sa uuwian,” ayon kay Emmanuelle Louise Bernardo.

Ani Bernardo “hindi biro na walang kitain nang ganoon katagal, lalo na’t sinabi ng presidente na walang pera ang bansa para pakainin ang mga Filipino.”

Ayon naman kay Mary Grace Apostol ang “paglilinaw sa lockdown” ay lalong nagbigay ng kaguluhan sa isip ng mga San Joseño.

“Hindi malinaw bagkus mas nagulohan pa ang mga tao. Sinabi niya kasi kahapon walang makalalabas-pasok sa NCR maliban sa doctors and frontliners, pero ‘yung statement niya pra sa paglilinaw is sabi niya, “may makapapasok at makalalabas pa rin sa NCR pero hinigpitan lang.”

“Hindi man lang nakapagbigay ng matinong guidelines since marami taga-SJDM nagwo-work sa NCR,” ayon kay Apostol.

Sa interbyu kay Robes, sinabi niyang ang San Jose del Monte ang may pinakamataas na kaso ng CoVid-19 sa Bulacan.

Aniya, 407 na ang infected ng CoVid sa lungsod.

Inabisohan ni Robes ang mga mangagawa na nagtatrabaho sa labas ng lungsod na maghanap na ng pansamantalan tirahan habang naka-lockdown.

Aniya, doctors, medical frontliners, essential deliveries, at services ang papayagang pumasok sa bayan.

Ang mga papasok sa lungsod, aniya, ay isasailalim sa mandatory 14-day quarantine.

Ang mga direktibang ito ay nakasaad sa Administrative Order No. 013-08-03, Series of 2020, na inilabas ng City of San Jose del Monte.

Kahapon may lumabas na panibagong anunsiyo ang lungsod. Inililinaw umano ang lumabas na memorandum.

“Wala pong magaganap na lockdown. Huwag po tayong mataranta,” ayon sa pahayag ng PIO ng San Jose del Monte.

“Simula August 10, 2020 (Lunes), 12:01 am, maghihigpit lamang po sa mga papasok at lalabas ng ating lungsod, lalo po sa mga galing sa NCR na ayon sa mga datos, karamihan ng mga nagpositibong kaso sa Lungsod ng San Jose del Monte ay may history na nanggaling o nagtrabaho sa NCR,” ayon sa anunsiyo.

“Pinapayagan pa rin pong makapagnegosyo, makapag-hanapbuhay at makapagtrabaho ang mga nasa lungsod, lalo kung sa loob lang din ng probinsiya ng Bulacan ang trabaho. Siguruhin lamang na may dala laging mga kaukulang dokumento (IDs atbp).”

“Maaari pa rin pong makalabas upang makabili ng mga pangunahing pangangailangan ang mga quarantine pass. Mandatory rin po ang pagsusuot ng face mask.” (GERRY BALDO)

Gerry Baldo

Published by
Gerry Baldo

Recent Posts

Kasalang Luis at Jessy, naudlot na naman

ANO ba ‘yang wedding plans sana nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, tila hindi na naman matutuloy. May problema raw kasi. Naku ano… Read More

22 hours ago

Azenith Briones, kumikita ang Orchids online business

SA September 30 pa po ang birthday ko pero agad akong magpapasalamat sa mga ayudang dumarating kahit mahirap ang buhay… Read More

22 hours ago

Ivana Alawi, mas malaki ang kita sa pagba-vlog

HINDI apektado sa pagsasara ng ABS-CBN si Ivana Alawi dahil kumikita siya bilang vlogger. Katunayan, nakapagpatayo pa siya ng bahay dahil sa pagba-vlog. Wow!… Read More

22 hours ago

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez . Ani Teejay, “Bale five days kami… Read More

22 hours ago

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado

LABIS-LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng CEO/President ng Beautedem na si Rhea Anicoche-Tan sa panibagong parangal na natanggap, ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko mula sa Gawad… Read More

22 hours ago

Mga pelikulang kalahok sa 4th PPP, posibleng mapanood sa mga sinehan

AMINADO si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino na nagtatampo na sa kanya ang asawang si Ice Seguerra pati ang anak niya dahil… Read More

22 hours ago