Categories: Showbiz

Allen Dizon, patuloy sa paghakot ng awards sa pelikula at telebisyon

Share

PATULOY sa pagratsada ang award-winning actor na si Allen Dizon sa paghakot ng acting awards. Maging sa role man na sundalo o transgender, maging ito man ay sa pelikula o telebisyon, parehong wagi ang Kapampangan actor sa 18th Gawad Tanglaw Awards (Gawad Tagapuring mga Akademisyan Ng Aninong Gumagalaw). Gaganapin sa September 20 ang awards night nito.

Itinanghal na Best Actor si Allen sa pelikulang Mindanao sa 18th Gawad Tanglaw Awards sa Pelikula na ginampanan niya ang role ng sundalong nakikipaglaban sa Mindanao habang nakikipaglaban din sa sakit na kanser ang kanyang anak. Ito’y mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza. Samantalang sa Television Category, si Allen din ang itinanghal na Best Actor in Single Performance para sa GMA 7’s Magpakailanman episode na Kailan Naging Ama ang Isang Babae (The Roxanne Da’ Sales story). Dito’y ginampanan niya ang role ng isang transgender na dumanas ng maraming pagsubok sa buhay, mula sa direksiyon ni Zig Dulay.

Masayang pahayag ng proud manager ni Allen na si Dennis Evangelista, “Now lang nag-sink-in sa akin na winner si Dizon sa pelikula at telebisyon. Ang nakatutuwa, tuloy-tuloy ang pagkilala sa kanyang pagganap.

“Sa 21st Gawad Pasado Awards, double win namamn siya bilang Best Actor para sa pellikulang Mindanao at Alpha The Right To Kill, na parehong idinirek ni Brillante Mendoza. Kaya sa susunod na taon ay Hall of Famer na siya bilang Best Actor. Ang nag-iisang Superstar, Nora Aunor pa lang ang nabigyan ng Hall of Fame ng Gawad Pasado so far.”

Matatandaang sa huling Metro Manila Film Festival 2019 ay hinirang din na Best Actor si Allen para sa pelikulang Mindanao.

Sa ngayon, nasa Asian Film Festival sa Rome, Italy ang pelikula niyang Latay (Battered Husband) na kapareha niya si Lovi Poe, mula sa pamamahala ni Direk Ralston Jover. Nakabinbin pa ang pagpapalabas nito sa local commercial run sa Sinag Maynila 2020.

As a producer, si Allen din ang nag-produce ng iWant original series na Beauty Queens na pinagbibidahan ni Ms. Gloria Diaz, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Kasama rin as main cast si Allen sa weekly serye ni Senator Bong Revilla under GMA 7, ang Agimat Ng Agila na inaayos pa ang pag-resume ng taping. May nakatakda rin siyang gawin na HBO project early next year, mula sa direksiyon ng isang premyadong director, pero hindi pa puwedeng i-announce ito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Nonie Nicasio

Published by
Nonie Nicasio

Recent Posts

Kasalang Luis at Jessy, naudlot na naman

ANO ba ‘yang wedding plans sana nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, tila hindi na naman matutuloy. May problema raw kasi. Naku ano… Read More

20 hours ago

Azenith Briones, kumikita ang Orchids online business

SA September 30 pa po ang birthday ko pero agad akong magpapasalamat sa mga ayudang dumarating kahit mahirap ang buhay… Read More

20 hours ago

Ivana Alawi, mas malaki ang kita sa pagba-vlog

HINDI apektado sa pagsasara ng ABS-CBN si Ivana Alawi dahil kumikita siya bilang vlogger. Katunayan, nakapagpatayo pa siya ng bahay dahil sa pagba-vlog. Wow!… Read More

20 hours ago

Jerome at Teejay, ‘di nag-inarte sa shooting ng Ben x Jim

MADALING natapos ang shooting ng BL series na Ben x Jim ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez . Ani Teejay, “Bale five days kami… Read More

20 hours ago

Sylvia Sanchez at Rhea Tan, gagawaran ng Gawad Pasado

LABIS-LABIS ang kasiyahan at pasasalamat ng CEO/President ng Beautedem na si Rhea Anicoche-Tan sa panibagong parangal na natanggap, ang PinakaPASADONG Huwaran sa Serbisyo Publiko mula sa Gawad… Read More

20 hours ago

Mga pelikulang kalahok sa 4th PPP, posibleng mapanood sa mga sinehan

AMINADO si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino na nagtatampo na sa kanya ang asawang si Ice Seguerra pati ang anak niya dahil… Read More

20 hours ago