Tuesday , September 22 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)
2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

2 Pinoy pa namatay, 31 sugatan sa Beirut (Sa huling ulat ng DFA)

UMABOT na sa apat na Filipino ang iniulat na namatay

habang 31 ang sugatan sa nangyaring malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon nitong Martes.

Ito ang nabatid sa pinakauling ulat na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

“We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction,” ani DFA Undersecretary Sarah Arriola.

Ayon kay Philippine Embassy Charge d’affaires Ajeet Panemanglor, mayroon pang dalawang Pinoy ang nasa kritikal na kondisyon.

“They are confined and are being monitored at Rizk Hospital,” ayon sa opisyal.

Base sa report, ilang taon nang nakaimbak sa isang warehouse sa Beirut ang ammonium nitrate, na nagresulta ng napakalakas na pagsabog nitong Martes.

Umabot sa 135 katao ang namatay kabilang dito ang apat na Pinoy at 5,000 ang sugatan kasama ang 31 mga kababayan.

“Our Embassy officials shall continue to ascertain the condition of our community in Beirut. The DFA reaffirms its commitment to bring the much needed support and assistance to our kababayans specially at this hour of need,” ani Arriola. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top